Friday, June 20, 2014

Ilang beses na akong nagtangkang magmaintain ng isang blog kaso, walang oras at hindi ako sigurado kung may nagbabasa. Hindi rin ako makampante kahit ang gusto ko sanang tema at paksain ay Humor kasi nga parang nililimitahan ko ang sarili ko e ang dami kong gustong sabihin. Sana masustain ko ang isang ito. Malawak na ang sakop ng titulo- Kung anu-ano lang para puede akong pumaksa ng kahit na ano.

Aktibo ako sa twitter sa ngalang assiprofm. Marami na akong followers at may haters na rin ako kasi may mga tweets akong salungat sa gusto ng iba. alam ng mga suki kong ka-tweet ang tinutukoy ko. Ginagamit ko ang Twitter sa pagsubaybay sa mga balita at kawalang-kuwentahang pagbabalita ng marami nating journos. Konti lang ang iginagalang ko sa kanila: si Jessica Soho na hindi ko alam kung siya ang nag-popost ng mga tweet. Sigurado sa sobrang busy niya ay may admin ang State of the Nation. Ang rapplerdotcom na sa kabutihang palad ay nagiging popular na ngayon at mga news agencies abroad tulad ng BBC. Ang inquirerdotnet nakakatuwa rin dahil open sila sa mga comments. Ang TV Patrol at 24 Oras at AksyonTV5, bugbog sa mga comments ko kasi masyado silang tabloid on air.

Kilala ako bilang masugid na tagahanga ni Coco Martin kung kaya't flooding ako ng tweets tungkol sa kanyang mga teleserye. Hindi naman pahuhuli ang maaanghang kong tweets pag tungkol sa pulitika. Pet peeves ko ang mga wala nang nakitang mabuti sa kasalukuyang administrasyon. Pinaninindigan ko kasi na hindi man perpekto, di hamak na mas matino si PNoy kaysa mga nagdaang pangulo mula kay Marcos. Masaya ako sa mga programa niya laban sa korupsyon. Natutuwa ako at naka-hospital arrest pa rin si GMA at maaaresto na ang TrioLos Scammers ng Senado. Paborito kong bloggers sina Professional Heckler at SoWhat'sNews kasi mahilig ako sa satire at sarcasm.

No comments:

Post a Comment