Tuesday, June 24, 2014
Sabi nga ni Lourd:..... wala tayong saysay!
Bukod sa wika, mahina rin ang pundasyon ng ating mga kabataan sa kasaysayan. Narito ang ilang patunay.
1. Itanong sa mga nagsisipagtrabaho na ngayon kung bakit holiday ang ilang petsa sa kalendaryo bukod sa Pasko, Biyernes Santo at Undas. Mas madalas di nila alam ang importansiya ng petsang ginugunita.
2. Maraming kabataan ang nag-aakalang maganda ang sistema ng pamamalakad ni Marcos. Utang na loob!
3. Marami rin ang nagsasabing pinakawalang kwentang gobyerno ang kasalukuyan. Ilang administrasyon na kaya ang naranasan nila?
4. Marami ang di nakaka-realize na ang June 12 na ginugunita natin taun-taon bilang Araw ng Kasarinlan ay paglaya lang natin sa naunang mananakop-ang mga Espanyol.
5. Marami ang alipin ng paniniwalang ang Estados Unidos ay lagi nating kakampi, na kapakanan natin ang lagi nitong nasa isip.
6. Maraming nakapuesto ng panahon ni Marcos ang nakakapagpasasa pa hanggang sa kasalukuyan, di tinutuligsa sa naging papel nila sa panahon ng Martial Law.
7. Marami ang di alam na ang wikang Filipino ay pinaghalu-halong mga wika ng ating kapuluan kabilang na ang Ingles, Espanyol, Arabo at Tsino. Hanggang ngayon Tagalog ang tawag nila sa wikang laganap.
8. Marami ang saliwa pa rin ang pagkaintindi sa sigalot na Muslim-Kristiyano sa Mindanao.
9. Marami ang nag-aakalang magkatunggali sina Rizal at Bonifacio at patuloy silang pinag-aaway.
10. Marami ang nag-aakalang ang mga opisyal ng pamahalaan ay miyembro ng mataas na lipunang dapat pagsilbihan. Sino ba ang public servant?
Ilan lang ito sa mga obserbasyon ko. Marami pang manipestasyon ng kakulangan sa paggagap at malalim na pang-unawa. Nakakatakot dahil sa media lamang umaasa ng kaalaman. Paano kung limitado sa opinyon ng maangas na broadcaster ang maririnig tulad ng taxi driver na makulit ang opinyon sa nagaganap na arestuhan sa PDAF?
Labels:
Filipino,
History,
holidays,
kasaysayan,
Marcos,
Martial Law,
PDAF,
public servant,
US,
wika
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment